Samu't saring Kuro-kuro at Haka-haka

About

Tawagin niyo na lang akong Tomaritz. Hindi ‘yan basta-bastang alias na gawa gawa ko lang, totoong may tumatawag sa akin ng ganyan sa totoong buhay. Kung bakit, kasi parang pangalan ko yan na binaligtad. Inabot ko kasi ‘yung panahon na ang kubeta ay tinatawag na takubets ng mga kabataan, ang ari ng lalaki ay etits, ang katulong ay longkatuts at kung anu-ano pang kabalbalan.

Sabi nila ay tahimik raw ako. Totoo. Kung may Guinness World Record sa patagalan nang hindi pagsasalita ng isang tao ay baka masungkit ko ang world record. Kaya kong mabuhay ng ilang araw na walang kinakausap. Hindi talaga ako masalita. Mas gusto kong nakikinig. Siguro, dahil ayokong magsayang ng laway kung wala namang kabuluhan ang aking sasabihin pwede ring ayokong matuklasan ng kausap ko na may bad breath ako.

May mga nagsasabi na ang taong tahimik daw ay nasa loob ang kulo. Hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin sa “kulo.” Pero kung ito ay kakulitan, kagaguhan o anupaman, siguro nga ay totoo. May kakulitan talaga akong itinatago.

Ang blog na ito ay ang pagtatangka kong ilabas ang “kulo” na sinasabi ng iba. Susubukan kong ibahagi sa blog na ito ang mga laman ng aking isipan, may kabuluhan man o wala.

Comments on: "About" (21)

  1. Very interesting topic, regards for posting.

  2. tomaritz! ang galing mong magsulat promise.

    • tomaritz said:

      Salamat, jhudah. Di mo lang nakikita pero, namumula ngayon ang pisngi ko sa hiya sa papuri mo, lol.

  3. tomaritz, dapat mag-reunion ulit tayo nila Padi… madami ka ng ikukwento sa amin hahaha..

  4. salamat po sa pag follow skin.. hehe nag follow back din po ako 🙂 kahapon palang ako gumawa ng sarili kong account eh.. kaya pangatlo ka na sa mga mambabasa ng mga kwentong barberong susulatin ko.. di ko alam kung naawa ka lang.. hahaha joke lang 🙂

    • salamat sa pag follow, pangatlo ka lang din sa followers ko 🙂 …. ilang buwan na tong blog site ko pero kailan ko lang napansin na pwede palang mag-follow at ma-follow dito sa WP, kaya yun, sinubukan ko hehe

  5. katuwa naman ang iyong about page, hahaha. salamat sa pagbisita at sa mga salitang “sa wakas” na iniwan mong bakas sa aking isang paskil. basta wag mong wawakasan ang pagbisita ha. gandang gabi ng pagtatagpo at pagkaka-follow.

  6. pag tinatawag ka ba ng kaibigan mo sa bansag niyang pangalan sayo ay nababanggit niya din ang “Z” sa tomaritz? parang ang hirap! hahaha tomarit..zz. nahihiwalay talaga yung Z eh. haha. salamat sa pagbisita sa aking munting tambayan! papakape ako minsan! haha asahan mo ang pagbasa ko sa iyong mga katha. sa ngayon, eto muna, follow back lang muna. hihi 🙂

    • may ilang gifted akong kaibigan na nakaka pronounce ng tama pero karamihan, tomarits ang kinalalabasan, ayos na rin yun sa akin hehehe… salamat sa pagbisita at pag follow, idjopathy!

  7. Silent water runs deep. Ang gasgas na kasabihan. Baka namimili ka lang din ng kausap. Tama ‘yan. Maraming bloggers ang “virtually madaldal” pero pag personalan na, parang isiniksik sa sulok. Hehehe. Blog n Roll Tomaritz. Kala ko lagi ka ng lasing, Toma. 🙂

    • Namimili ako ng kainuman hehehe pero kausap di masyado. Di lang ako masyadong masalita kaya mas gusto kong kasama yung madaldal para makikinig lang ako. Pero pag walang sense ang pinagsasabi pwedeng text text na lang din. 🙂 Salamat po sa pagbisita.

  8. akala ko tungkol sa paglaklak ng alak — TOMAritz, tomadoonz. 😀 ang korni ko!

    susundan na kita. hehe

  9. hui Tomaritz, kakalabanin kita dyan sa titulo mo sa Guiness na pagtagalan sa hindi pagsasayang ng laway 😛 joke

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: