Samu't saring Kuro-kuro at Haka-haka

Posts tagged ‘Pangulong GMA’

Negative Issues

“What we focus on, we empower and enlarge. Good multiplies when focused upon. Negativity multiplies when focused upon. The choice is ours: Which do we want more of?” – Julia Cameron, Blessings

Dahil alam na nagba-blog ako, may nagtanong sa akin kung ano raw ang opinion ko sa mga napapanahong issues sa bansa ngayon. Dapat daw bang payagan ng DOJ ang dating pangulong GMA na makapagpagamot sa ibang bansa? Naniniwala raw ba akong ang mga kapatid ni Ramgen Revilla ang utak sa pagpatay sa kanya? Epektibo raw ba ang kalamansi sa pagpapaputi ng singit?

Sabi ko sa mokong na ‘to, malulutas ba ang mga kasong ito at puputi ba ang singit mo kapag ibinigay ko ang opinion ko o ‘pag ginawa kong topic ng blog ko ang mga isyung ito araw-araw? Sabi niya, gago raw ako! Sa puntong iyon ay ‘di ako kumontra.

Kasi kung makakaapekto sa kalakaran ng bansa ang opinion ko e di kahit araw-araw na dumugo ang ilong ko sa kaka-blog ng mga current issues e ayos lang sa akin. Ang problema, kahit matuyuan pa ako ng dugo at kahit pa pagmumurahin ko araw-araw ang mga pulitiko at iba pang salot ng lipunan e wala ring mangyayari. E, sa sampung nagbabasa ng blog ko ay sigurado akong hindi kasama doon ang Presidente ng Pilipinas.

(more…)

Advertisements